NBI, binalaan na ang publiko sa paggamit ng AI yearbook trend

Pinayuhan ng National Bureau of Investigation ang publiko na iwasan ang paggamit ng AI-powered photo generator apps, dahil maaari umano itong magamit para sa identity theft at iba pang scams.

Ito ay matapos mag-viral ang Al-powered application na gumagawa ng high school yearbook.

Sinabi ng NBI, na maaaring magamit ang mga litrato upang gumawa ng mga pekeng profile na humahantong sa mga insidente ng identity theft, data breaching, sexual exploitation, phishing attacks, ransomware attacks, at iba pang malicious activities.

Binigyang-diin ng NBI ang kahalagahan ng online safety at privacy dahil hinimok nito ang publiko na maging mapagbantay sa personal information na kanilang ibinabahagi sa internet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *