NCDRRMO, tiniyak ang kahandaan kasunod ng pagsasailam  sa blue alert status ng mga disaster council para sa BSKE at undas

NAGA CITY – Simula sa biyernes Oktubre 27, 2023, saktong alas 12 ng tanghali, hanggang sa Nobyembre 6, isasailalim ang buong Bicol Region sa Blue Alert Status para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election at Undas 2023.

Ito ay batay sa Memorandum Circular no.74-2023 na ipinalabas ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council.

Kung saan ang mga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, City Disaster Risk Reduction and Management Council, at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, ay pinapaging alerto.

Sa naging panayam kay Naga City Disaster Risk Reduction and Management Office Head, Ernesto Elcamel, simula na maipatutupad ito, hindi na maaaring magbakasyon o kung nakabakasyon ang isang personahe kinakailangang ipakansela, maliban kasi sa paghahanda ng Commission on Election, PNP, BFP at iba pang miyembro ng joint operation, ang naturang opisina ay may malaking obligasyon ring dapat gampanan, lalo na pagdating sa medical na asistensya, pagresponde kung may mga mangyayaring insidente o aksidente. Maglalatag din ng mga help desk at medical unit sa bawat voting precint maging sa mga sementeryo.

Kung saan dagdag pa ng opisyal, muling magkakaroon ng pagpupulong sa lungsod kasama ang ibang ahensya upang pag-usapan ang naturang alert status.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *