NIA BICOL naka-monitor sa water level at iba pang problema na epekto ng tag-init sa mga irigasyon at sakahan sa buong rehiyon

NAGA CITY – Nakamonitor ngayon ang mga technical personnel ng National Irrigation Administration Regional Office -5 sa mga posibleng epekto ng nararanasang init ng panahon ngayon lalo na sa water level, supply at iba pang problema sa mga irrigation projects sa buong rehiyon.

Nabanggit ni Maria Cleofe “ Ate Nikay “ Baraero, Public Relations Officer ng NIA-Bicol na ang tatlong lalawigan na kinabibilangan ng Albay, Masbate at Camarines Sur ang naitalang may mga problema na dala ng tag-init.

Sa kanyang pahayag sa Brigada News FM Naga, sinabi niya na malalawak ang mga sakahan sa tatlong rehiyon na ito, kaya apektado ang mga magsasaka lalo na ang mga nagpahabol pa ng pagtatanim, o lumampas ng dalawang anihan sa isang taon.       

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *