Mga traffic officers sa Naga, inaabisuhang sumilong na muna kung kinakailangan

NAGA CITY – Inaabisuhan na ng Naga City Public Safety Office o PSO, ang kanilang mga personahe lalo na ang mga nasa traffic management, na nabibilad na ng araw, na pansamantalang sumilong na muna kung kinakailangan dahil sa tindi na ng init ng panahong nararanasan sa lungsod.

Sa naging panayam kay Abegail Amaro, Admin Aid 1 ng PSO, sinabing nagiging kalaban na nila ang init ng panahon na halos may pagkakataong grabe na rin ang pawis lalo na’t naka-uniporme pa at balot na balot, hindi rin maiiwasang hindi pupwesto sa area lalo na’t kung buhol-buhol na ang trapiko.

Kung saan pinaalalahanan na ring uminom ng mas maraming tubig lalo na para mga mataas ang blood pressure na personahe.

Samantala, pumalo na sa 43.7°C degree celcius ang heat index sa lungsod at Barangay ng Mabolo ang may pinakama-init na area, sa Pili, Camarines Sur naman nasa 40°C na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *