NIA hindi inaalis ang posibilidad na matuloy na ang devolution sa susunod na taon

CAMARINES NORTE – Hindi inaalis ng National Irrigation Administration (NIA) ang posibilidad na matuloy na ang devolution sa susunod na taon.

Sa harap ng ilang magsasaka sa lalawigan ipinaliwanag ni Mariano Villamonte, Information Officer ng NIA- Camarines Norte na ang mga ginagawa nilang seminar ngayon ay patungkol sa paghahanda sa devolution sa ilalim ng Mandanas law kung saan may mga function ang national government na ililipat na sa Lokal na Pamahalan.

Gayunman iminumungkahi daw sana ng kanilang Administrator na hindi na isama sa devolution ang NIA.

Nilinaw ni Villamonte na ang mga function lang na di- devolve ng NIA ay ang mga ginagawa nito sa system, pag iimplement ng mga proyekto at mga improvement.

Sa ngayon ay naghihintay pa umano sila ng development sa central kung matutuloy ang devolution o hindi. Mababatid na pagpasok ng Marcos administration ay pansamantalang hindi muna ipinatupad ng Pangulo ang devolution para mapag aralan pa itong mabuti.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *