NIA – tiniyak ang tulong sa mga magsasakang maaapektuhan ng El Niño

Tiniyak ni National Irrigation Administration (NIA) acting administrator Eduardo Guillen na tutulungan nila ang mga magsasaka na lubos na maapektuhan ng kakulangan sa supply ng tubig dala ng El Niño.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ng NIA official na sa pamamagitan ng convergence approach na ipinakilala ng pangulo, maaring samantalahin ng mga magsasaka ang programang Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) kung sakali mang dumating sa hindi na sila makapagtanim.

Handa naman din daw ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magpatupad ng cash-for-work at food-for-work program sa mga magsasaka na masasalanta.

Sa ngayon, ipinapatupad din daw nila ang alternate wetting and drying system upang makabawas at makaipon ng 30 poryento ng irigasyon.

Dagdag pa ni Guillen, maari tayong humingi ng high-value crops input na hindi nangangailan ng maraming tubig katulad ng mais at monggo sa Department of Agriculture.

Batay pa sa naging monitoring ng NIA, ang bahagi raw ng Ilocos at ilang parte sa Visayas ang maaring pinakamaapektuhan ng nasabing El Niño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *