Nominasyon para sa 20 natatanging Guro award sa bayan ng Mercedes binuksan na ng LGU

CAMARINES NORTE- Binuksan na ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes, Camarines Norte ang nominasyon para sa 20 natatanging guro sa naturang bayan.

Ito ang inanunsiyo ng LGU sa pamamagitan ng official facebook page ni Mayor Alexander Pajarillo.

Ang nominasyon para sa Gawad Parangal sa mga Guro ay bukas sa lahat ng guro kasama ang Principal o School Head na nagsisilbi sa Mercedes District ng hindi bababa ng limang taon sa panahon ng nominasyon.

Sa bawat nominasyon ay kailangang naka- attach ang mga kinakailangang dokumento tulad ng properly filled- up nomination form, Updated Service Record, Individual Performance Commitment and Review, copies of certificate of trainings, chairmanship and other special works, copy/document of innovation’s introduced and implemented, copies/evidences of receive awards at recommendation of school head o principal at concerned PTA.

Ang application para sa Gawad parangal sa mga Guro ay dapat isumite sa Mayor’s Office nang hindi lalagpas sa December 1.

Maaaring i- download ang Official Nomination form sa Mercedes Public Information Official FB page osa Gawad Parangal sa mga Guro Secretariat.

Ang pagbibigay ng parangal sa mga natatanging guro na nagsisilbi sa naturang bayan ay alinsunod sa Municipal Ordinance No 162- 2002 as amended.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *