Dalawang ambulance unit hiniling ng LGU Basud sa PCSO

CAMARINES NORTE- Nag- request ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSCO) ng dalawang unit ng ambulansya.

Sa pamamagitan ito ng resolusyon na inihain sa Sangguniang Bayan ni Councilor Jose Marie Ayton nan aka- address sa tanggapan ni PCSO General Manager Royina Garma upang magamit ng nabanggit na LGU.

Nakasaad sa resolusyon na sinisikap ng LGU at ginagawa ang lahat para maibigay ang health services na kailangan ng mga tao nang naayon sa resources nito.

Mayroong 29 na barangay ang naturang bayan na nahahati sa dalawang cluster, “Highway Block” at “River Block na nagangailangan umano ng “equal” attention ng mobility at serbisyo lalo na sa panahon ng emergency.

Dahil umano sa lawak ng land area at distansiya ng mga Barangay ay kinakailangang mayroong hiwalay na ambulansya sa kada cluster para makapag- provide ng health transport service sa mga tao.

Ang Basud ay kabilang sa third class municipality at ang kakayahan nitong gumastos para sa health services ay base lamang daw sa appropriations para sa health programs na kinukuha sa Internal Revenue Allotment (IRA).

Dahil dito mahalaga umano sa LGU ang outside support mula sa concerned government agencies na makakatulong para sa health services lalo na mula sa PCSO na nagbibigay naman talaga ng ambulansya.

Sakaling ipagkaloob umano ng PCSO ang dalawang  unit ng ambulansya na hinihihingi ng LGU ay magbebenepisyo hindi lang ang naturang bayan kundi maging ang mga adjacent towns tulad ng coastal barangays ng Mercedes at isolated Barangays ng San Lorenzo Ruiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *