North Korea, nakatakdang maglunsad ng satellite

Inabisuhan ng North Korea ang Japan tungkol sa plano nilang paglulunsad ng tinawag nitong satellite sa mga darating na linggo.

Ayon sa Japan Coast Guard, ilulunsad ang rocket sa pagitan ng May 31 at June 11 at babagsak malapit sa Yellow Sea sa East China sea at silangan ng Luzon Island dito sa Pilipinas.

Naniniwala naman ang mga Japanese officials na isang ballistic missile ang ilulunsad ng bansa at inilarawan lamang nila itong isang satellite.

Kamakailan ay pinaigting ng Pyongyang ang missiles launch nito na nagdulot ng alarma sa Japan.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *