Novena sa karangalan ni Nuestra Señora de Peñafrancia sisimulan na ng Diocese of Daet ngayong araw

CAMARINES NORTE- Sisimulan na sa Diocese of Daet ngayong araw ang pagnonobena sa karangalan ng patrona ng Bicol na si Nuestra Señora de Peñafrancia.

Magkakaroon ng pagdarasal ng novena at misa sa kada parokya ng Diocese.

Sa Holy Trinity Cathedral gagawin ang novena tuwing alas 5 ng hapon at alas 5: 30 ang minsa mula ngayong araw September 5 hanggang 12.

Pero sa huling araw ng nobenaryo ay gagawin itong umaga dahil sa hapon ay tutulak ang mga kaparian patungo sa lungsod ng Naga para sa Union of Bicol Clergy (UBC).

September 14 naman, alas 6 ng umaga ay ang Diocesan Mass sa Naga Metropolitan Cathedral na pangungunahan ni Bishop Rex Andrew Alarcon kasama ang mga kaparian ng Diocese of Daet.

Inaasahang in- attendance ang mga mananampalataya mula sa Diocese of Daet.

Hindi nagkaroon ng Diocesan Mass sa nakalipas na dalawang taon dahil sa COVID- 19 pandemic.

Samantala, nagpaalala naman si Bishop Alarcon hinggil sa susunding health protocols sa pagpunta ng Naga para makiisa sa Peñafrancia fiesta kasunod ng inilabas na joint statement ng City Government at Archdiocese of Caceres hinggil sa age code ng vaccination requirement.

Ayon dito ang 50 anyos pataas ay dapat tumanggap na ng ikalawang booster dose.

Ang 18- 49 naman ay dapat nakapag first dose na at ang pediatric population ay dapat fully vaccinated na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *