NPA commander, isa sa napaslang sa engkwentro sa Cagayan

Isang mataas na opisyal ang isa sa nakilalang nasawi sa naganap na engkwentro sa pagitan ng kasundaluhan at NPA noong September 21, 2021 sa Sta. Teresita, Cagayan.

Ito ang kinumpirma ni Army Major Jekyll Dulawan ang Chief ng Division of Public Affairs Office (DPAO) ng 5ID sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, nakilala ang tatlo sa limang narekober na bangkay kung saan isa rito ay si Alyas Titan, vice commander ng front operations command ng East Front Cagayan at leader ng squad tres.

Kasama rin sa nasawi ang party wife nito na si Alyas Jodel na isang medical officer at si Alyas Marlon isang political guide o propagandist ng naturang grupo.

Aniya, kahapon ay naibaba na rin ang limang bangkay mula sa encounter site at ipinasakamay ito sa PNP.

Hinintay din aniya na may mag-claim sa bangkay subalit dahil sa nasa decomposition stage na ang mga ito ay iminungkahi ng mga doctor na ilibing na.

Doon na rin inilagak ang mga labi sa public semetery ng Sta. Teresita.

Sinabi pa ni Maj. Dulawan na base sa pagpapahayag ng dati nilang kasamahan at secretary ng grupo na si Ivy, ang tatlo ay nagmula rin sa Northeastern Cagayan.

Aniya, nagtungo rin sa encounter site si BGen Steve Crespillo, Commander ng 501st Infantry Brigade at ang mga kasapi ng SOCO para i-assess ang lugar.

Aniya, nakita roon ang maraming bakas ng dugo at ang mga iniwang bunker kung saan pinaniniwalaang nasa 12 sa panig ng mga rebelde ang nasawi na posibleng itinago nalang o inilibing ng mga tumakas na kasamahan nila.

Sinasabing secondary explosion na mula sa mga nakaimbak na bomba na hawak nila ang posibleng ikinamatay ng ilan sa mga ito.

Photo/5ID PA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *