OCTA, inaasahan na bababa ang COVID numbers sa three digits pagsapit ng Marso

Inaasahan ng independent OCTA Research na muling bababa ang daily COVID-19 figures sa three digits pagdating ng Marso.

Pero ayon sa research group, magiging posible lang ito kung magtutuloy-tuloy ang downward trend ng infections.

Naniniwala naman si OCTA Research fellow Guido David, na dapat ipanatili ang alert level system hangga’t mayroong pandemya.

Mababatid na ang bansa ay nagtala ng 3,574 na mga bagong kaso ng COVID-19 noong Martes na pinakamababang daily count simula noong Dec. 31, 2021.

Matatandaan naman na huling naitala ng bansa ang three-digit fresh cases ay noong Dec. 29 sa 889.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *