OFWs natulungan na ng DMW nang biglang magsara ang pinapasukang firm sa NZ

Nagbigay na ng tulong ang Department fo Migrant Workers sa mga Overseas Filipino Workers na biglang nawalan ng trabaho nang magsara ang pinapasukan nilang kompanya sa New Zealand.

Ayon kay DMW USec. Patricia Yvonne Caunan, nagpaabot na sila ng financial assitance katuwang ang DFA sa unang batch ng mga naapektuhang OFWs.

Sa ngayon, mayroon pang mahigit 70 OFWs ang bibigyan ng financial assistance habang nasa mahigit 300 OFWs ang pinoproseso pa.

Sa kabuuan, nasa 624 na mga Pilipino ang naapektuhan ng pagsasara ng kumpanya na karamihan ay construction workers.

524 sa bilang na ito ay mga OFWs habang 100 naman ay mga Pinoy na residente na ng New Zealand.

Nabatid na karamihan sa mga apektado ay nasa Auckland at Christchurch, kung nasaan ang dating malalaking proyekto ng pinapasukan nilang dating kompanya. //CA, edited: MENG TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *