Magsasagawang muli ng Kadiwa ni Ani at Kita ang Olongapo City Agriculture Office.
Ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang iba pang mga local producers sa lungsod.
Ayon kay City Agriculturist Francis Maniago, target na maisagawa ito sa unang linggo ng Abril.
Dagdag ni Maniago, may mga local producers ang lungsod na lumapit sa kanila at nais maging kabahagi ng programa.
Matatandaan nitong nakaraang buwan ay nagsagawa ng tatlong araw na Kadiwa ni Ani at Kita ang lungsod sa pamamagitan ng Department of Agriculture.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO