Olongapo City nakuha ang Rank #2 sa overall result ng CLARAA matapos ang halos dekada

Lubos ang pasasalamat ng Olongapo City Sports and Youth Development sa Kagawaran ng Edukasyon, City Government, Zambales 1st Congressional District, mga magulang, trainers, coaches at iba pa.

Ito ay matapos na masungkit ngayong taon ng Olongapo City ang rank #2 sa overall result ng Central Luzon Regional Athletic Association o CLARAA.

Ayon kay City Sports and Youth Development Head David Bayarong, mahigit dekada rin ang hinintay ng Syudad bago nasungkit muli ang pwesto.

Nanguna pa rin ang Bulacan, ikalawa ang lungsod habang nasa ikatlo na ang Bataan.

Nakakuha ng 52 golds, 48 silver at 50 bronze medal ang mga manlalaro ng Olongapo City.

Samantala, malaking tulong rin umano dito ang ginagawang summer sports clinic ng City Government.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo: Olongapo City Sports

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *