Chinese rocket debris – babagsak sa PH waters

Nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) sa posibleng pagbagsak ng debris ng rocket na inilunsad ng China nitong Biyernes sa mga katubigan na sakop ng Pilipinas.

Ayon sa ahensya inaasahang babagsak ang debris mula sa rocket sa tinukoy na drop zones na tinatayang may 123 nautical miles ang layo mula sa Panatag shoal at 55 nautical miles mula sa Panay Island sa Catanduanes.

Kaugnay nito, pinag-iingat ang mga residente sa lugar na agad ipaalam sa mga lokal na awtoridad kung may mamataang kahina-hinalang debris ng naturang rocket.

Ayon pa sa PhilSA, bagamat sa kanilang pagtaya hindi nakikitang babagsak ito sa kalupaan o mataong lugar, mayroon pa rin itong banta sa mga barko, eroplano, bangka at iba pang sasakyang pandagat na dumadaan sa natukoy na drop zone.

Paaalala ng ahensya na iwasan din na lapitan o kunin ang naturang debris dahil maaaring naglalaman ito ng remnants ng nakakalasong substance gaya ng rocket fuel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *