OLONGAPO-Pinaplano na ng city government na bumili ng Ultra Low Cold Chain para sa Olongapo.
Ito ay para mapasama sa mga lugar sa bansa na mapadadalhan ng suplay ng mga anti-corona virus disease vaccines na sinsitibo pagdating sa storage requirement.
Ayon kay City Health Officer Dr. Doods Bustamante, mahalagang magkaroon ng ganitong vaccine cold chain ang isang lugar para pag-imbakan ng mga bakunang gawa ng pfizer, sputnik v o moderna sa oras na mabigyan ng suplay.
Sakaling magkasundo sa kalidad at presyo, isang unit lang muna nito na may storage capacity na 1,600 doses ang planong bilhin ng city government.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO