NBA: Suns namumuro nang makapasok Western conference finals

Patuloy ang pamamayagpag ng Phoenix Suns sa nagpapatuloy na NBA playoffs matapos kunin ang ikatlong sunod na panalo kontra Denver Nuggets sa Western Conference semi-finals, 116-102.

Nagpamalas ng balanseng opensa at depensa ang Suns sa pangunguna ni Devin Booker na may 28 points at Chris Paul na nagtala ng 27 points.

Nakakuha din ito nang sapat na ambag mula sa kanyang mga teammates upang ibaon sa 0-3 ang Nuggets sa serye.

Humakot ng 14 puntos si Jae Crowder, 10 puntos si Deandre Ayton habang may 11 puntos naman si Mikal Bridges.

Sa kabila ng 32 puntos ni reigning MVP Nikola Jokic bigo ang Denver na makuha ang kina-kailangan opensa para tapatan ang init ng Suns.

Nahaharap naman ang Denver sa do-or-die Game 4 sa Lunes kung saan muli itong gaganapin sa kanilang homecourt.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *