Online application and evaluation system ng Provincial Government College Education Assistance Program sa Camarines Norte bukas na para sa aplikasyon

CAMARINES NORTE- Bukas na para sa pagsusumite ng aplikasyon ang PGCEAP Online Application and Evaluation System ng Provincial Government College Education Assistance Program o PGCEAP

Ang pagtanggap ng aplikasyon ay sinimulan na kahapon June 25, 2021 at magtatagal hanggang July 30, 2021  kung saan Maaaring magtungo sa www.pgceap.com para sa mga interesadong aplikante ngayong School Year 2021-2022

Bukas ito para sa incoming first year college na nakapagtapos ng senior high school at para rin sa mga nakapagtapos ng high school sa ilalim ng old basic education system.

Ang mga nasa kolehiyo na o kaya ay tumigil sa mga nakaraang taon sa pag-aaral ay maaari rin mag-apply.

Upang ibigay ang pagkakataon sa mga mas higit pang nangangailangan at hindi pa nakapagtapos, hindi tatanggap ng mga aplikante na may kapatid na PGCEAP Grantee, may kasalukuyang may scholarship grants o nakapagtapos na ng kolehiyo.

Ang mga “priority beneficiaries na mula sa mahirap na pamilya, tulad ng mga sumusunod ay kailangan ding mag-register sa ONLINE PORTAL

1. Graduate of Senior High School WITH HIGHEST HONOR.

2. Graduated as VALEDICTORIAN in previous years but haven’t enrolled or finished college

3. CHAMPION/ FIRST PLACER – Individual Academic contest or Individual sports competition in Regional, National or International level)

4. PERSONS WITH DISABILITY o anak ng PWD na ang kapwa magulang ay hindi sapat ang kakayahang pinansiyal upang suportahan ang pag-aaral ng anak.

Ukol sa iba pang detalye at sa mga dokumentong kailangang ihanda, makikita ito sa website (www.pgceap.com) ng PGCEAP Online Application and Evaluation System.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *