Open Air Cinema opisyal nang binuksan sa San Marcelino

Kanya-kanyang gimik ngayon ang iba’t ibang lugar kasabay ng pagpasok ng buwan ng Disyembre kung kalian nalalapit na ang kapaskuhan.

Sa Zambales, isa ang bayan ng San Marcelino sa may kakaibang handog sa mamamayan nito.

Ito ay matapos na opisyal nang buksan nakalipas na gabi ang Open Air Cinema sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan.

Dito ay maaaring manood ng libre ang publiko ng pelikula sa isang malaking LED screen na makikita sa Freedom Park.

Ang Open Air Cinema ay bukas tuwing ng Byernes at Sabado ng gabi kung kalian mas maraming tao ang lumalabas dahil weekend.

Habang ikaw ay nag-rerelax ay makikita rin sa Freedom Park ang nagagandahang dekorasyon na may temang Candyland Crhistmas.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: SAN MARCELINO PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *