Pangulong Bongbong Marcos, papangunahan ang pagbibigay ng pagkilala sa mga OFWs

Nakatakdang dumalo si Pangulong Bongbong Marcos para sa pagdiriwang ng ika-17 anibersaryo ng GO Negosyo sa Pasay City.

Sa temang ‘Kabayan 2022: Kabuhayan, Kinabukasan at Kaagapay ng Pamilyang OFW’, bibigyan ng pagkilala ang mga natatanging mga kababayan nating nagta-trabaho sa ibayong dagat.

Inaasahang pangungunahan ng Pangulo ang pagbibigay ng pagkilala sa mga ‘most inspiring OFWs’ na napabilang sa ‘Kabayan Awards 2022’.

Maliban sa Pangulo, pangungunahan ang event ni dating presidential adviser on entrepreneurship, at ngayo’y Private Sector Advisory Council (PSAC) member GO Negosyo Founder Joey Concepcion.

Bibisita rin sa naturang kaganapan si Migrant Workers Secretary Toots Ople.

Kabilang sa mga posibleng ilahad sa programa ay ang mensahe at pangako ng Pangulo para sa kapakanan ng ating mga OFWs.

Matatandaaang sa paggunita ng ika-159 birth anniversary ni Andres Bonifacio nitong Miyerkules, kinilala ni Marcos ang ambag ng mga OFWs sa bansa.

Inilarawan din ng Pangulo ang ating mga kababayang nagsusumikap sa ibang bansa bilang mga ‘modern-day heroes’.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *