Ordinansang nagtatakda ng guidelines sa implementasyon ng Konsulta program ng Philhealth inihain sa SB-Basud

CAMARINES NORTE- Inihain sa Sangguniang Bayan ng Basud sa regular na sesyon nitong Lunes, June 5, ang isang ordinansa na nagtatakda ng guidelines sa paggamit ng pondo kaugnay sa Konsultasyong Sulit at Tama (Konsulta) Program ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.

Ang titulo ng ordinansa na iniakda ni Councilor Norma Zamudio ay “An Ordinance” establishing guidelines for the disposition and allocation of the Philhealth Capitation fund from the Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) Konsultasyon Sulit at Tama Package to Basud Primary Care Facility, Basud, Camarines Norte as an accredited Philhealth Konsulta Provider.

Layon ng Konsulta program na pataasin ang kalidad at maghatid ng health services at preventive health care sa mas nakararaming Pilipino.

Ang Konsulta Program ay isang primary care benefit package na nagkakaloob ng konsultasyon, health screening at assessment, laboratory tests, gayundin ang gamot at medikasyon.

Kumpleto ang mga packages sa ilalim ng programa at ang kagandahan pa ay ang pinagtutuunang pansin sa early detection ng mga sakit.

Batay sa section 4 ng panukalang ordinansa ang capitation fund na makukuha sa Philhealth ay gagamitin para i- cover ang lahat ng kinakailangang serbisyo at gamot at operating expenses kasama na ang hiring ng karagdagang doktor, nurse at midwife, internet subscription, service provider subscription fee at IT hardware ng service provider.

Ang 60 % ay para sa Operating Expenses ng Basud Primary Care facility Philhealth Konsulta Program; patient’s health services, gamot at iba pang operating expenses  para matustusan ang delivery of care kasama na ang hiring ng mga kakailanganing personel.

May probisyon din para sa 40 % Performance Incentive na ibibigay sa primary care workers.

Ang hatian, 30 % sa attending physician at ang 70 % ay paghahatian ng iba pang personnel at healthcare workers na tinukoy ng  Municipal Health Officer.

Inaatasan ang Basud Primary Care Facility na mag-maintain ng ledger para sa pagamit ng Philhealth Konsulta Capitation funds.

Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) naman ay una nang hinikayat ang mga Local Government Unit na suportahan ang (Konsulta) Program.

Ayon mismo kay Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr. ang serbisyong pangkalusugan ay isa sa top priorities ng pamahalaan kaya naman dapat tiyakin ng mga LGU na maayos na naipapatupad ang health services sa grassroots.

Inaatasan din ni Abalaos ang mga local health experts at practitioners na siyasatin ang mga local health facilities na kasalukuyang ginagamit upang makita at malaman kung pasado ba ang mga ito sa mga pamantayan ng PhilHealth at ng Department of Health.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *