Outgoing chief DPAO ng 5th ID, nagpasalamat sa suportang ibinigay ng media

Nagpasalamat si Outgoing Chief DPAO Major Jekyll Dulawan ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa suportang ibinigay ng media habang siya ang nanunungkulan sa naturang tanggapan.

Unang pinangunahan ni 5th Infantry Division Major Gen. Laurence Mina ng Philippine Army ang isinagawang turn-over ceremony kung saan pumalit kay Maj. Dulawan ang newly installed DPAO Chief na si Capt. Rigor Pamittan na tubong-Tugeugarao City, Cagayan.

Aniya, naging maayos umano ang kaniyang panunungkulan bilang hepe ng DPAO dahil patuloy ang ibinibigay na suporta ng media upang makapaghatid ng impormasyon sa mamamayan.

Batay sa mga salaysay ng mga former rebels, malaking epekto sa kanilang pagsuko sa pamahalaan ang mga impormasyon na naihahatid mula sa mga radio programs kung saan tampok dito ang ibat ibang programa ng gobyerno.

Ito lamang aniya ang tanging pinakikinggan nila sa loob ng kilusan kaya’t malaki ang naitulong ng public affairs program sa pagpapaliwanag ng mga programa ng pamahalaan upang mahikayat ang mga nasa kilusan na sumuko na.

Kaugnay nito, hiningi naman niya ang patuloy na suporta ng media sa bagong Chief ng DPAO na si Capt. Rigor Pamittan.

Si Maj. Dulawan ay nanungkulan bilang Chief DPAO sa loob ng isang taon at dalawang buwan.

Nauna na rin siyang naitalaga bilang company commander sa isang unit sa Mindanao Area at nakatakda siyang lumipat sa Office of the International Military Affairs sa Headquarters ng Philippine Army.

Kaugnay nito, pinuri naman ni Major Gen. Mina ang nagampanang tungkulin bilang hepe ng Division of Public Affairs Office ni Maj. Jeckyll Dulawan.

Ayon sa pagsasalita ng opisyal, malaki ang ginagampanang tungkulin ng isang DPAO Chief na siyang nagsisilbing tagapagsalita ng kanilang mandato sa hanay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas o AFP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *