116 Pulis Kasanggayahan na promote ng ranggo

SORSOGON CITY – Aabot sa 116 na pulis ang binigyan ng promosyon at umakyat ang ranggo.

Kabilang dito ang 3 Police Major, 3 Police Executive Master Sgt, 15 Police Chief Master Sgt, 27 Police Senior Master Sgt , 22 Police Master Sgt, 10 Police Staff Sgt at  36 na Police Corporal.

Pinangunahan ng Provincial Police Director na si PCol Arturo Brual Jr. ang panunumpa at pinning of ranks sa loob mismo ng Sorogon Police Provincial Office, Camp Salvador H. Escudero Sr.

Ang promosyon ay parte ng 2nd Level Regular Promotion Program ng PNP, ito ay isa sa mga epektibong paraan upang itaas ang moral at kapakanan ng mga miyembro nito sa kanilang mga kontribusyon sa pagsasakatuparan ng mga layunin ng organisasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *