OVP, makikipagtulungan sa DepEd sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela

Makikipagtulungan ang Office of the Vice President (OVP) sa Department of Education (DepEd) para sa isang linggong nationwide Brigada Eskwela.

Ito’y para paghandaan ang opisyal na pagsisimula ng klase sa Martes, Agosto 29.

Ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte, ang school maintenance program ay diwa ng bayanihan ng bawat Pilipino na tumulong sa paghahanda ng mga paaralan sa darating na pasukan.

Isasagawa ang School Maintenance week mula ngayong araw hanggang Sabado, Agosto 19.

Bilang paghahanda sa Brigada Eskwela, may sampung satellite offices na itinayo ang ahensya sa Dagupan, Isabela, Bicol Region, Cebu, Bacolod, Tacloban, Davao, Surigao, Zamboanga, at kasama na rin ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *