Apat na tao sa Yemen, patay matapos matamaan ng kidlat

Inanunsyo ng mga local health authorities ng Yemen ang pagkamatay ng apat na tao matapos matamaan ng kidlat, habang apat naman ang sugatan.

Nangyari ang aksidente sa mga probinsya ng Hodeiah, Raymah, at al-Bayda.

Ilang linggo na nakakaranas ng pagkidlat, pag-ulan, at pagbaha sa higlang bahagi ng bansa.

Naglabas naman ng babala ang National Center of Meteorology ng Yemen sa mga ilang probinsya, na pinahihintulutang manatili muna sa loob ng mga pamamahay upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *