OWWA humingi ng pang-unawa sa mga OFWs na natatagalan sa mga quarantine facilities

Humingi ng pang-unawa ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga Returning Filipinos na natatagalan sa mga quarantine facilities.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac aminado silang mabagal ang paglalabas ng RT-PCR test results dahil sa dami ng mga ginagawang tests bunsod ng COVID-19 surge sa bansa.

Nagkakaroon umano ng karadagang araw sa mga quarantine facilities ang mga OFWs dahil sa mga backlog matapos ang biglang pagdami ng mga nagpapatest.

Maliban sa mga dumarating na OFWs sinabi ni Cacdac na apektado rin ang mga paalis na mga Pinoy para magtrabaho abroad.

Tiniyak naman ni Cacdac na nasa maayos pa ring kalayagayan ang mga specimen at patuloy itong pino-proseso subalit kailangan lamang ng mahabang pasensiya mula sa mga apektadong OFWs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *