OWWA tiniyak na babayaran ang P1.7-billion na utang sa mga quarantine hotels

Tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na mababayaran ang utang ng gobyerno sa mga quarantine hotels na ginagamit ng mga returning Overseas Filipino Workers.

Sa ngayon ayon kay Philippine Hotel Owners Association executive director Benito “Bong” Bengzon Jr. ay nasa P1.7 billion na ang dapat bayaran ng pamahalaan sa mga hotel.

Karamihan sa mga hotel kung saan may utang ang OWWA ay matatagpuan sa National Capital Region (NCR).

Ayon naman kay OWWA administrator Hans Leo Cacdac na nakipagpulong na sila sa PHOA members para maresolba ang naturang problema.

Nilinaw na na rin umano ng OWWA sa mga hotel owners and managers ang pangambang baka hindi sila mabayaran dahil sa election period.

Iginiit naman ni Cacdac na wala namang kinalaman ang election period sa obligasyon nilang ituloy ang pagbayad sa mga quarantine hotel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *