Piso, hindi malayong lalong humina dahil sa Ukraine-Russia crisis

Kinumpirma ng ilang financial analyst sa bansa na makakadagdag sa paglakas na naman ng dolyar kontra piso ang Russia-Ukraine crisis.

Sinabi ng analyst na si Astro del Castillo, posibleng umakyat sa P52.50 ang palitan.

Ayon kay del Castillo, balik na naman ang maraming financial analyst sa kanilang drawing boards lalo at nakatutok ang buong mundo sa development ng tensyon ng dalawang bansa.

Nagpayo naman si del Castillo na pinakamagandang aksyon ngayon ang tulungan muna ang mga pinaka-apektadong sektor.

Samantala, iginiiit ni del Castillo na totoong may bawas sa pasanin ng mga consumer ang panukalang pag-lift sa excise tax sa oil products pero kailangan aniyang pag-aralan ito nang maayos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *