P100 na reward, ibibigay sa mga magus-surrender ng galang aso sa San Roque, Legazpi City

LEGAZPI CITY – Makakatanggap ng isangdaang piso bilang reward ang sinumang magsu-surrender ng galang aso sa Brgy. 32 – San Roque, Legazpi City.

Ito ang inanunsiyo ng kapitan ng nasabing barangay na si Joselito Martinez kahapon kung saan inihayag niyang bahagi ito ng kanilang tugon at pakikiisa na alisin ang mga gumagalang aso sa tulong ng Legazpi City Veterinary Office, lokal na pamahalaan ng nasabing lunsod, at ng Team Kaayusan.

Ayon sa opisyal, ito ay isang paraan upang mabawasan ang mga kaso ng rabies sa lugar, maging ang mga aksidente sa kalsada na dulot ng mga ito. Epektibo ito sa darating Lunes, Setyembre 19, mula alas 10 ng umaga sa gate ng Norman Yu compound.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *