Kahalagahan ng pagmimina, ipinaliwanag ng Mines and Geoscience Bureau (MGB)

LEGAZPI CITY – Binigyang-diin ng Mines and Geoscience Bureau (MGB) ang kahalagahan ng pagmimina sa isinagawang Mining Engineers Convention 2022.

Ayon sa ilang mga tagapagsalita sa nabanggit na Gawain, ang pagmimina ay tugon sa pangangailangan ng lipunan.

Kahit pa umano pabor o hindi pabor sa pagmimina, hindi maikakaila ang katotohanang kinakailangang ipagpatuloy ang paggamit at pagtangkilik sa mga mineral, dahil karamihan ng ating mga ginagamit sa araw-araw ay bunga ng pagmimina.

Binanggit din ditto na magtutuloy-tuloy ang pagmimina hangga’t kinakailangan ito ng mga tao.

Dagdag pa rito, ang pagmimina ay isang bagay na hindi maiiwasan, dahil may mga lugar na bukas sa pagmimina, mayroon din naming hindi. Samantala, pinaalalahanan naman ang mga nagmimina na palaging sumunod sa batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *