P11.2-M aid mula sa DSWD, LGUs at ilang NGOs, naipamahagi na sa Abra quake victims

Papalo na sa P11.2-M na halaga ng humanitarian assistance ang naibigay ng DSWD, local government units, at non-government organizations para sa mga epektado ng 7.0-magnitude na lindol noong July 27.

Ang tulong ay karamihang binubuo ng family food packs at hygiene kits.

Batay sa Disaster Response Monitoring ng DSWD, nasa 82,336 pamilya o 314,285 indibidwal ang apektado ng naturang lindol mula sa 998 barangay sa Northern Luzon, Cagayan Valley, at Cordillera Administrative Region.

Sinabi naman ng naturang ahensya na as of July 29, mahigit P3-M na standby funds, 521,758 family food packs na nagkakahalaga sa P320 million, at iba pang food items na nagkakahalaga sa P212 million, at non-food items sa P487 million ay available pa sa DSWD Central Office, field offices, at National Resource Operations Center.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *