P117, 664 na- generate na sales sa isinagawang Diskwento Caravan ng DTI sa Daet

CAMARINES NORTE- Aabot sa P117, 464.00 ang na -generate na sales sa isinagawang Diskwento Caravan ng Department of Trade and Industry sa bayan ng Daet noong Hunyo 23.

Sa official social media account ng ahensiya, inihayag nito na aabot sa 13 establishments ang nakilahok kung saan nakinabang ang 470 beneficiaries.

Tampok sa DTI rolling store ang mga pangunahing bilihin at iba pang mga produkto na mas mura at abot kayang halaga.

Naisakatuparan ang Diskwento Caravan sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan.

Ito na ang pangalawang Diskwento Caravan na ginawa ng DTI ngayong taon at ang una ay sa bayan ng Paracale noong Hunyo 10.

Isa itong aktibidad ng ahensiya na naglalayong kahit papano ay maibsan ang bigat na nararamdaman ng mga consumer dahil sa epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Target ng ahensiya na dalhin ang rolling store sa iba pang mga bayan sa lalawigan upang ilapit sa mga konsyumer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *