P21 milyon project ng PNOC na hindi na itutuloy, pinanghinayangan ng isang senador

“P21 million is P21 million”

‘Yan ang naging pahayag ni Senador Win Gatchalian matapos sabihin ng Philippine National Oil Corporation (PNOC) na hindi na nito maitutuloy ang nauna nitong plano.

Sa dati kaseng plano ng PNOC ay gumastos ito ng P21M para magsagawa ng feasibility study para sa Energy Supply Base Port Development Project sa Mabini, Batangas.

Ito ay upang mai-upgrade at mapalawak ang mga private commercial port na makapagbibigay ng pier, warehouse facility at cargo handling.

Binigyang-diin ng senador na nakita naman noon na “feasible” ito at may kakayahan itong makapagbigay ng multi-year budget na P1.6b.

Samantala, nilinaw ni PNOC President at CEO Oliver Butalid na dumaan sa “very well-attended consultation” ang bagong proyekto nito na Offshore Wind Power Integration Port.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *