P26.7Billion na budget ng DoJ at mga attached agencies, dinepensahan sa Kamara

Sumalang sa budget deliberation ng House Appropriations Committee ang Department of Justice para sa hiling na P26.686Billion na pondo nito sa susunod na taon.

Pinangunahan ni Justice Secretary Boying Remulla ang pagdepensa sa kanilang hiling na pondo, pati na rin sa kanilang mga attached agencies.

Dumalo rin sa deliberation sina Solicitor General Menardo Guevarra, National Bureau of Investigation director Medardo de Lemos, at Public Attorney’s Office chief Persida Acosta.

Inisa-isa ni Justice Undersecretary Brigido Dulay ang mga accomplisyments ng DoJ kabilang na ang pagtaas ng case disposition rate mula 78.30% noong 2013 sa 93.25% nitong 2021.

Napababa rin ang case backlogs ng DoJ sa 31.92%; habang tumaas ang prosecution success rate, ‘o ‘yung convictions sa 91.80%.

Sa kabila nito, nananatili pa ring mataas ang congestion rate sa Bureau of Corrections.

Para naman sa NBI, nakapagtala ito ng higit sa 35,000 na bilang ng mga investigations nong 2021.

Mabilis na na-terminate ang deliberation at tanging si ACT Teachers party-list Rep. France Castro lamang ang nagbigay ng mga katanungan.

Kabilang na rito ang update sa kaso ng ‘blood sunday’ kung saan naitala ang sunud-sunod na pagkamatay.

Sinagot nama ito ni Dulay at sinabing gumugulong na ang preliminary investigation hinggil sa mga alleged murder incidents at mayroon nang 30 mga PNP personnel at officers ang nakasuhan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *