DILG, inatasan ang mga LGUs na palakasin ang kampanya laban sa dengue

Inatasan ni Interior Secretary Benhur Abalos ang mga local chief executive na mas paigtingin pa ang mga countermeasures laban sa dengue.

Sa isang pahayag, sinabi ng Kalhiim na ang naka-aalarmang pagtaas ng bilang ng mga nagkaka-dengue ay dapat mahinto sa grassroots level ng mga komunidad.

Aniya, ang dengue ay nananatili pa rin bilang isa sa mga public health threat sa bansa kaya dapat ay maging proactive na ang mga LGUs at magpatupad ng mga istratehiya para maiwasan pa ang pagdami ng mga kaso nito sa bansa.

Giit ni Abalos, dapat ay targetin ng mga lokal na pamahalaan ang pagpapababa sa dengue cases bago matapos ang taon.

Sa huling datos ng Department of Health, nakapagtala ito ng higit sa 118,000 na mga dengue cases sa pagsisimula ng taon hanggang nitong Agosto.

143% itong mas mataas mula sa mahigit 48,000 cases na naitala noong nakaraang taon sa kaparehong period.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *