P270-M na halaga ng shabu at marijuana, nasamsam sa loob ng isang linggo

Nakakumpiska ng PhP270,203,352.00 na halaga ng iligal na droga at naka-aresto ng anim na indibidwal sa isang linggong kampanya kontra iligal na droga ang Police Regional Office Cordillera (PRO Cordillera).

Ayon sa report ng Regional Operations Division isinagawa ito sa ibat ibang lalawigan sa rehiyon mula April 29 hanggang May 5 .

Nasamsam ang mga ito sa labing dalawang magkakahiwalay na marijuana eradication operation at tatlong police operation.

Nakumpiska ang 8.14 grams ng pinaniniwalaang shabu, 240 ml ng Marijuana oil at 62, 300 grams ng pinatuyong dahon at tangkay ng marijuana na may kabuuang halaga na PhP7,543,352.00.

Kabilang sa mga naaresto ay limang street level at isang high value individual na parehong nahaharap sa paglabag sa R.A. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, sinunog at sinira sa magkahiwalay na marijuana eradication operations ang 838,100 na puno ng marijuana at 792,000 grams ng pinatuyong dahon ng marijuana na may kabuuang halaga na PhP262,660,000.00.

Matapos ang isinagawang dokumentasyon, agad itong sinunog at patuloy pa ring inaalam kung sino ang nasa likod ng pagtatanim sa mga nadiskubreng puno ng marijuana .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *