P3.4M na halaga ng hinihinalang shabu nasamsam ng PDEA sa dating sundalo sa Camarines Sur

NAGA CITY – Aabot sa P3.4M na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency at ng PNP sa isang umano’y tulak ng ipinagbabawal na gamot sa Calabanga, Camarines Sur.

Ang suspek kinilalang si Alvin Bonifacio y Conmigo 33-anyos, dating sundalo at residente ng Barangay Sta. Cruz sa parehong bayan.

Ikinasa ang operasyon 11:50 ng hatinggabi sa bahay mismo ng suspek, kun saan 10 gramo ng pinaniniwalaang shabu ang nabili ng tumayong poseur buyer sa halagang P20K.

Nang magka-abutan na ng items, mabilis na sinunggaban ng mga operatiba ang suspek at nakuha sa bulsa nito ang dalawang sachet laman ang pinaniniwalaang shabu gayundin ang ginamit na buy bust money.

Subalit maliban sa nakuha sa bulsa ni Bonifacio, tumambad pa sa mga otoridad ang tatlong knot-tied plastic laman ang kaparehong droga na tinatayang nasa 500 gramo at nagkakahalaga ng hindi bababa sa P3.4M.

Napag-alaman ng Brigada News FM Naga na natanggal sa pagiging sundalo ang suspek pagkatapos na magpositibo ito sa ginawang random drug testing sa na isinagawa ng Philippine Army.

Itinanggi naman ni Bonifacio na kanya ang items. Hindi aniya kaniya ang bag na nilagyan ng nasamsam

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *