Indonesian President Widodo binigyan ng state welcome ceremony si Pangulong Marcos

Nakadaupang palad na ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos si Indonesian President Joko Widodo ngayong umaga sa Bogor Palace sa Indonesia.

Kasama si 1st Lady Liza Araneta, binigyan si Marcos ng state welcome ceremony sa Indonesian Presidential Palace na pinangunahan ni President Widodo at may bahay nitong si 1st Lady Iriana Widodo.

Inilibot ng Indonesian 1st couple ang Pangulo sa Bogur Palace kung saan bahagya itong tumugil sa veranda ng palasyo para sa photo ops.

Pagkatapos ay dumirecho na ang mga ito sa malawak na bakuran ng Presidential Palace para sa isang ceromonial tree planting.

Kasunod naman nito ang state luncheon na inihanda ng Indonesia para sa 1st couple ng Pilipinas at sa mga delagado nito.

Bago matapos ang araw na ito inaasahan na malalagdaan ang ilang mga kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia na may kinalaman sa pagpapalakas ng cultural cooperation, defense and security cooperation, at pagpapatibay ng bilateral relations.

Batay sa schedule na inilabas sa mga mamahayag, ngayong hapon nakatakda din humarap si Pangulong Marcos sa mga businessman ng Indonesia para posibleng investment nito sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *