P340, 000.00 na halaga ng shabu nakuha sa isang dalagang tulak ng iligal na droga at sa isa pa nitong kasama sa bayan ng Paracale

CAMARINES NORTE- Timbog ang isang babaeng tulak ng iligal na droga na kabilang sa high value target individual ng PNP kasama ang isang minero sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok-7A, Barangay Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte Huwebes ng gabi, November 24.

Kinilala ang mga suspek na sina alias “MARIE”, 33 anyos, dalaga at si alias “JUN”, 34 anyos, may kinakasama, isang minero at kapwa residente ng naturang bayan.

Ayon sa Camarines Norte Police Provincial Office nakuha sa naturang operasyon ang isang piraso ng selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang “Shabu” (Buy-Bust Drug).

Bukod dito nakuha rin sa pag iingat ni alyas Marie ang walong piraso ng selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang piraso ng selyadong plastik na pakete ang nakuna naman kay alyas Jun, buy bust at boodle money.

Ayon sa Paracale Municipal Police Station marami pa silang isusunod na mga operasyon kontra iligal na droga.

Ang pagkakahuli umano sa mga nabanggit na suspek ay babala sa mga durogista na patuloy na nagpapakalat ng iligal na droga na sumisira sa buhay ng mga gumagamit nito.

Nasa kustodiya na ngayon ng naturang Municipal Police Station ang mga naarestong suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Photo: Aris Zante Zamudio Alexopolus)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *