Provincial Government at NFA papasok sa isang MOA para matulungan ang mga magsasaka ng palay sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Papasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Provincial Government at National Food Authority (NFA) para matulungan ang mga magsasaka ng palay sa Camarines Norte.

Yan ay sa gitna ng mababang produksyon nito at hinaing ng mga magsasaka na kailangang matugunan.

Ito ang inanunsiyo ni Provincial Agriculturist Engr. Almirante Abad sa isinagawang System Management Committee Meeting na inorganisa ng National Irrigation Administration (NIA) na dinaluhan naman ng mga magsasaka at Irrigators Associations.

Hindi pa idinetalye ni Abad ang tungkol sa programa pero mayroon na umano silang draft ng MOA alinsunod na rin sa kautusan ni Governor Dong Padilla.

Ipinarating daw kasi sa Gobernador sa nakaraang pakikipagpulong nito sa irrigators association ang problemang kinakaharap ngayon ng mga magsasaka na mura na nga bilihan ng kanilang ani ay mahal pa ang farm inputs.

Ayon kay Abad hindi naman kaila sa lahat ang problemang ito ng mga magsasaka kaya nais naman na matugunan ng Provincial Government sa pamamagitan ng partnership sa NFA.

“Hindi yan kaila sa atin na totoong nangyayari na, mababa talaga ang bilihan sa ngayon po ay parang umaabot lang ng P15 ang pinakamataas yung mga tira ng bagyo, mga salinsing yan yung mga nagdapa, may mga nagdapa siyempre kasi ang hirap pati ngayong matuyo ano, kung ida- dryer mo may additional cost, “ ani Abad.

Nakapaloob sa draft MOA na papahiramin ng Provincial Government ng hybrid na binhi at fertilizer ang mga magsasaka na kasama sa pilot implementation at ang kanilang ani ay bibilhin ng NFA.

Dito na kokolektahin ang inutang sa Provincial Government at taon- taon ay dadagdagan ang pondo para dito at papaikutin kasama ng mga ibinabayad ng mga magsasaka.

“Pero may problema kasi, bakit san NFA dadalahin ay samantalang P19  lang ang bili ng NFA na tuyo so siyempre hindi niyo naman dadalahin dun kapag yun lang ang presyo di ba, so yun po may dagdag na tatlong  piso dun sa premium at may incentive po sa drying at transportation, hauling and handling na tig- piso po, so piso sa drying, piso sa  ano pag dala dun, so yun po pero pag sariwa, ang usapan namin nung NFA ang ano nila ay i- pattern lang din dun sa dati nila na may incentives.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *