P3B budget cut ng Health Facilities Enhancement Fund, nais ibalik para sa specialty centers -Recto

Naniniwala si House Deputy Speaker at Batangas Representative Ralph Recto na dapat nang ibalik ang tinapyas na 3.8 billion pesos sa Health Facilities Enhancement Fund para sa implementasyon ng Medical Specialty Centers Law.

Nakasaad kasi sa 2024 National Expenditure Program na 22.98 billion pesos na lamang ang ilalaan sa HFEP mula sa kasalukuyang 26.81 billion pesos.

Ayon kay Recto, mayroon nang specific line-item funding ang Department of Health hospitals sa panukalang pambansang budget na dadagdagan na lang ng Kongreso.

Maaari aniyang buhusan ng dagdag na pondo ang HFEP upang maipatupad ang Medical Specialy Centers Law na may labimpitong specializations mula sa puso hanggang sa kidney.

Pangamba ng kongresista, kung hindi mapopondohan ang batas sa susunod na taon, aabutin na 2025 ang implementasyon na nangangahulugang mas matagal na paghihintay para sa mga pasyente.

Dagdag pa ni Recto, bahagi ng HFEP ay ilalagay sa DOH-run hospital infrastructures sa halagang 8.19 billion pesos habang 4.53 billion pesos sa equipment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *