Escudero, nanawagan sa pagpasa ng batas na magtatag ng mas maraming kolehiyo ng medisina sa bansa

Binigyang-diin ni Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education Chairperson, Senador Chiz Escudero na malaki pa rin ang kakulangan sa bilang ng mga doktor sa bansa upang tugunan ang pangangailangang medikal ng mamamayang Pilipino.

Kaugnay nito, nanawagan siya sa mga kasama niya na suportahan at ipasa ang panukalang naglalayong magtatag ng mas maraming college of medicine sa iba’t bahagi ng bansa.

Ilan sa mga pamantasan na inaasahang makapagtayo ng sarili nilang kolehiyo ng medisina ay ang Benguet State University, Southern Luzon State University at University of Eastern Philippines.

Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng pagsasabatas nito ay mas mapapatibay ang dating RA 11590 o “Doktor Para sa Bayan Act” na naglalayong magbigay ng medical scholarship sa mga karapat-dapat na mag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *