P500 ayuda sa mahihirap, dapat nang ipamigay – Salceda

Pinamamadali na ni Albay Rep. Joey Salceda sa pamahalaan ang pagpapalabas ng pondo para sa P500 ayuda at ang pamamahagi nito para sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.

Ito ay kasunod ng ulat ng PSA kahapon na bumilis ang inflation rate ng bansa noong nakaraang buwan ng Mayo na pumalo sa 5.4 percent mula sa 4.9 percent noong Abril.

Ayon sa mambabatas, ipa-follow up niya sa mga concern agencies ang nasabing ayuda upang agad na maipamigay sa mga Pilipinong lubos na apektado ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ipinunto ni Salceda sa mga ganitong sitwasyon ang mga low-income families ang lubhang naaapektuhan.

Mababatid na una nang tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na bago matapos ang administrasyong Duterte ay maipapamahagi ang pangakong ayuda para sa unang tatlong buwan.

Inaasahan anila na ngayong buwan ng Hunyo ay ipapamahagi na ang ayuda kung saan aabot sa P1,500 ang unang matatanggap ng mga benepisyaryo.

Una na ring sinabi ng DBM na apat na bilyong piso kada buwan ang inaprubahan nilang pondo para sa naturang ayuda.(CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *