P50K pabuya sa makapagtuturo sa suspek sa pang-aabuso sekswal sa 4 guro sa Camarines Sur

NAGA CITY—Magbibigay ng pabuya ang Lokal na Pamahalaan ng Sagñay para sa makakapagturo sa lokasyon ng suspek sa panghahalay sa isang Barangay sa lugar at sa insidente sa pang-aabuso sekswal sa paaralan sa Ocampo, Camarines Sur.

Ayon kay Mayor Jovi Fuentebella, magbibigay sila ng P50K bilang reward money sa makakapagbigay impormasyon sa mga awtoridad para sa mabilis na pagkakadakip ng suspek na si Enrique Algaba y Rivera, residente ng Barangay Turague, Sagñay.

Si Algaba ay suspek sa insidente ng panghahalay sa Sagñay at pang-aabuso sekswal sa 4 guro sa Ocampo kamakailan.

Positibo aniya ang mga biktima sa larawan ng suspek na siyang responsable sa nasabing krimen.

Kasalukuyan pang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na may warrant of arrest na para sa mga naturang krimen.

Ang larawan ay inilabas na ng pulisya pero bago ito una nang sinabi ng pamilya na hindi nila mabatid kung bakit ang kaanak ang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *