P600K pabuya inilaan sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspek sa “Tarusanan Massacre”

NAGA CITY- P100K ang pabuyang ilalaan ng lokal na pamahalaan ng Milaor Camarines Sur sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspek sa “Tarusanan Massacre” na si Arthuro De Leon.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Mayor Anthony Reyes, sa papagitan ng isang aaprubahang resolusyon ito ang ilalabas nila oras na mahuli ang suspek. Bukod sa ilalabas ng LGU , mayroon ding mula sa kanya bilang ama ng bayan. Dagdag nito, nagbigay na ng paunang tulong ang LGU sa mga kaanak ng 5 nasawi.

Panawagan ni Reyes sa mga otoridad, paigtingin pa ang manhunt operation.

Si Dating Department of Budget and Management/ Former Congressman Atty. Nonoy Andaya ay nangako naman ng P500K reward money.

Nagpapatuloy ang manhunt operation ng PNP sa Bicol Region at sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *