P750 across the board wage increase, kaya naman daw ng pamahalaan—ayaw lang aprubahan ayon sa isang mambabatas

Iginiit ng isang mambabatas na kayang-kaya ng pamahalaan na aprobahan ang kanilang petition na P750 across the board wage increase ngunit ayaw lamang aniya itong aprobahan ng pamahalaan.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, sinabi nito na isa ang Pilipinas sa may pinakamaliit na pasahod sa buong Asya.

Dagdag pa ni Brosas, hindi mangyayari ang sinasabi ng mga economic managers na tataas ang inflation sa bansa, magsasara ang mga kompanya at dadami ang bilang ng walang trabaho kapag nangyari ang pinipitition na taas sahod.

Una rito, nanindigan ang National Wages and Productivity Commission o NWPC na hindi konkretong sagot para makamit ang mataas na “standard of living” sa pagdagdag ng minimum wage na ayon sa DOLE ay kanila namang inaaral ang nasabing petisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *