AFP, ADF at United State Marine Corps nakibahagi sa bilateral exercise ng ALON

Nasa 2400 na mga personnel mula sa Armed Forces of the Philippines, Australian Defense Force o ADF at United States Marine Corps o USMC ang nakibahagi sa amphibious assault exercise na ginanap sa Naval Station ng Leovigildo Gantioqui o NSLG sa San Antonio Zambales.

Sa nasabing bilang 900 ang mula sa AFP, 150 ang mula sa USMC, at 1200 mula sa ADF.

Tampok sa naturang assault exercise ang Amphibious and Land Operation o ALON.

Ang bilateral engagement ay ikalawang bahagi ng tatlong Field Training Exercises o FTX sa ilalim ng ‘Indo-Pacific Endeavor (IPE): ALON 2023’ na naglalayong pahusayin ang kasanayan at ipakita ang mga kakayahan sa maritime, amphibious at land operation.

Bago ito, una nang nagsagawa ng FTX tampok ang air assault exercise sa Punta Baja, sa Rizal Palawan nitong August 20.

Habang naka takda naman ang ikatlong FTX sa Capas Tarlac at Cavite sa August 27 na magtatampok naman ng land at air training.

Samantala, pinanood nina Pangulong Bongbong Marcos ang naturang aktibidad kasama ang Defense Minister ng Australia na si Richard Marles, gayundin sina AFP Chief of Staff General Romeo Brawner, at Defense Secretary na si Gilbert Teodoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *