Padilla, naging emosyunal sa pakikipaglaban para sa tribong Teduray

Naging emosyunal si Senator Robin Padilla para sa matagal nang hindi pinapansin na tribong Teduray habang siya ay nakikiusap para sa hustisya at hinihimok ang gobyerno na mas ipagtanggol ang karapatan ng mga katutubo.

Sa kanyang privilege speech sa sesyon ng plenaryo ng Senado, binanggit ni Padilla na 24 na miyembro ng tribong Teduray ang nasawi sa pananalanta ng bagyong Paeng sa bansa.

Ang mga pagguho ng lupa at flash flood mula sa Mt. Minandar ay nakaapekto sa kanilang mga inilipat na tahanan na matatagpuan sa paanan ng bundok sa Maguindanao del Norte.

Sinisi ng tribo ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa hindi pag-aksyon sa kanilang petisyon noong 2020 laban sa relokasyon sa paanan ng bundok.

Naghintay rin umano sila ng kumento sa Ministry of Indigenous People’s Affairs ng BARMM dahil sila ang dapat na tumutok sa mga reklamo ng mga tribo.

Nauna nang inihain ng senador ang Senate Resolution No. 280 para imbestigahan ang trahedya na ikinamatay ng 24 na miyembro ng Teduray at alamin kung bakit hindi iginagalang ang karapatan ng tribo sa lupain nito. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *