DOH: Walang suspected case ng monkeypox simula noong Agosto

Walang naiulat na suspected case ng monkeypox sa bansa ang Department of Health mula noong buwan ng Agosto.

Sa ngayon, nananatili sa 4 ang bilang ng monkeypox infections sa bansa at ang pasyente ay gumaling na.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ang ika-apat na kaso ng monkeypox sa bansa ay na-discharge mula sa isolation noong Setyembre 15.

Sinabi pa ni Vergeire na mayroong 20 hinihinalang kaso ng monkeypox ang nai-ulat noong Agosto ngunit negatibo ang resulta ng kanilang pagsusuri.

Ilan sa sintomas ng monkey pox ay lagnat, pananakit ng kalamnan at malalaking sugat sa balat. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *